Noon, kailangan na matalas ang mata at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela kapag minamaneho ng magsasaka ang kanyang traktora. Kailangan iyon para tama ang direksyon ng pagtatanim niya. Pero pumapalya pa rin ito lalo na kapag pagod na ang magsasaka. Sa ngayon, may ginagamit na silang makabagong teknolohiya na nagsisilbing gabay para maging tama ang direksyong pupuntahan ng traktora.
Mababasa naman natin sa Aklat ng 2 Mga Hari ng Lumang Tipan ang tungkol kay Haring Josia. Naging hari siya noong 8 taong gulang pa lamang siya (22:1). Pagkalipas ng ilang taon, nakita ng punong paring si Hilkia ang Aklat ng Kautusan sa templo (TAL. 8).
Pinunit ni Haring Josia ang kanyang kasuotan nang basahin sa kanya ang aklat dahil napagtanto niya na naging masuwayin pala sa Dios ang kanyang mga ninuno. Nais ni Josia na laging sumunod sa Dios (TAL 2) at ang Aklat ng Kautusan ang nagsilbing gabay upang hindi mawala sa tamang direksyon ang mga tao.
Kung hahayaan natin ang Salita ng Dios na maging gabay natin sa bawat araw, malalaman natin na nakaayon sa kalooban ng Dios ang ating mga ginagawa. Tunay na higit pa sa makabagong teknolohiya ang Biblia. Kung susundin natin ang mga sinasabi rito, magiging maayos ang direksiyon ng ating buhay.