Idinadalangin ng aking kaibigang si Madeline na mas ituon nawa ng kanyang mga anak at apo ang kanilang paningin sa mga bagay na pang walang hanggan. Dumaan kasi sa matinding pagsubok ang kanilang pamilya at kasama na roon ang pagkamatay ng kanyang anak. Habang nagluluksa, ninanais ni Madeline na matuon ang kanyang pamilya sa mga bagay tungkol sa Dios at mapuno sila ng pag-asa.
Nakaranas din naman si Apostol Pablo at ang kanyang mga kasama ng matinding pagsubok dulot ng mga pagmamalupit sa kanila. Gayon pa man, nakatuon ang kanilang paningin sa Dios. Sinabi ni Pablo, “Hindi namin pinapahalagahan ang mga bagay na nakikita sa mundong ito kundi ang mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan” (1 CORINTO 4:18).
Kahit naglilingkod sila sa Dios, “ginigipit [sila]...naguguluhan... Kung minsa’y sinasaktan” nagpapatuloy pa rin sila (TAL. 8-9). Pero sa halip na malugmok, nakatuon ang pag-asa ni Pablo sa Dios at sa inihanda Niyang gantimpala para sa kanila. Naniniwala siyang ang mga paghihirap na dinaranas nila ay panandalian lang (TAL. 17). Natitiyak din ni Pablo na ang Dios na muling bumuhay kay Jesus ang siya ring bubuhay sa kanila (TAL. 14).
Sa tuwing makakaranas tayo ng paghihirap, ituon din natin ang paningin sa Dios – ang ating walang hanggang Bato na kailanma’y hindi matitibag.