Si Zeal ay isang negosyante. Minsan, tinanong niya ang isang kabataan na nasa isang ospital kung anong nangyari sa kanya. Sumagot naman ang kabataang lalaki na mayroon daw bumaril sa kanya. Kahit malakas na ang lalaki at puwede nang umuwi, hindi naman siya makalabas dahil hindi pa bayad ang mga bayarin niya sa ospital. Batas kasi iyon sa bansang Nigeria na sinusunod ng lahat. Tinulungan naman ni Zeal ang kabataang lalaki sa pamamagitan ng pagbabayad ng mga bayarin nito.
Mayroon ding itinayo si Zeal na isang institusyon na tutulong sa mga taong hindi makabayad sa ospital. Ginawa niya iyon upang ipahayag ang kanyang pagtitiwala kay Jesus. Umaasa rin si Zeal na ang mga tinulungan nila ay magbibigay din ng tulong sa ibang tao balang araw.
Mababasa naman natin sa Biblia ang turo tungkol sa pagbi- bigay. Halimbawa nito noong inutusan ni Moises ang mga Israelita kung paano sila mamumuhay sa lupang ipinangako ng Dios sa kanila. Sinabi ni Moises na ibalik sa Dios ang unang bahagi ng kanilang naani o bunga ng kanilang pinagtrabahuan (tingnan ang Deuteronomio 26:1-3). Sinabi pa ni Moises na tulungan din nila ang mga ang mga balo, ulila at mga dayuhan (T. 12). Dapat nila itong gawin dahil naninirahan sila sa isang masaganang lupain (T. 15) at upang maranasan ng iba ang pag-ibig ng Dios.
Maipapahayag din naman natin ang pagmamahal ng Dios sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay. Humingi rin tayo ng tulong sa Dios na bigyan tayo ng kakayahan na makapagbigay sa iba at dalhin din sa atin ang mga taong higit na nangangailangan ng tulong.