Batang-bata pa ang naging kapitan ng isang propesyonal na koponan. Kaya naman, negatibo ang tingin sa kanya ng maraming tao. Lagi lang kasi siyang umaayon sa kanilang coach at sa mga kasama sa koponan. Tila hindi naunawaan ng kapitang ito ang laki ng responsibilidad na ibinigay sa kanya o kaya nama’y hindi siya naniniwala na kaya niya iyong gampanan.
Dahil naman sa kahinaan ni Saul, maliit ang tingin niya sa sa kanyang sarili (1 Samuel 15:17). Kabaligtaran ito sa pisikal niyang anyo dahil matangkad siya (9:2). Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit maliit ang tingin niya sa sarili. Kahit sinusubukan ni Saul na makuha ang loob ng mga tao, hindi pa rin siya nagtagumpay. Hindi kasi nauunawaan ni Saul na ang Dios at hindi ang mga tao ang pumili at nagbigay sa kanya ng misyon.
Minsan, tulad din natin si Saul. Hindi rin natin lubos na nauunawaan na nilikha tayo ng Dios nang ayon sa Kanyang wangis upang maipakita kung paano Siya dapat mamuno. Madalas na hindi natin nagagampanan ang tungkuling ipinagkatiwala sa atin na nagdudulot nang hindi maganda.
Upang maiwasan ito, dapat tayong lumapit sa Dios. Hayaan nating ang Dios Ama ang magtakda kung sino tayo. Hayaan natin ang Banal na Espiritu na kumilos sa ating buhay. At hayaan natin si Jesus na isugo tayo sa mundo upang ipahayag ang tungkol sa Kanya.