Labis na ikinagulat ng mga dumalo sa graduation ceremony ng Morehouse College noong 2019 ang inanunsyo ng tagapagsalita. Sinabi nito na babayaran ng kanyang pamilya ang mga utang sa eskuwelahan ng bawat estudyanteng nagsipagtapos. Isang estudyante na may 100,000 dolyar na utang ang napaiyak sa tuwa dahil dito.
Alam nang karamihan sa atin ang pakiramdam na nagbabayad ka ng utang mo sa bahay, sasakyan o sa bangko. Pero alam na alam din natin ang ginhawang dulot kapag narinig natin ang mga salitang “Bayad ka na!”
Pagkatapos namang ihayag ni Juan na si Jesus “ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa,” pinasalamatan niya ang ginawang pagbabayad ni Jesus sa ating mga kasalanan. Sinabi ni Juan, “Iniibig Niya tayo, at sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay pinalaya Niya tayo sa ating mga kasalanan” (Pahayag 1:5 MBB). Ang napakagandang balitang ito ay higit pa sa inanunsiyo ng tagapagsalita sa mga estudyante ng Morehouse College.
Tunay na ang kamatayan ni Jesus sa krus ang magpapalaya sa atin mula sa kaparusahan sa ating mga kasalanan. Sapat nang kabayaran ang mahal na dugo ni Jesus sa ating mga kasalanan. Kaya naman, ang lahat ng sasampalataya kay Jesus ay patatawarin at magiging kabilang na sa pamilya ng Dios (TAL. 6). Ang magandang balitang ito ang pinakamagandang balita sa lahat!