Mahigit 600 taon nang nakatayo ang punong Holy Oak sa tabi ng Basking Ridge Presbyterian Church sa New Jersey bago ito kinailangang tanggalin. Noong hindi pa ito ganoon katanda, mahahaba at malalapad ang mga sanga nito. Kapansin-pansin ang hampas ng malamig na simoy ng hangin sa mga dahon at bunga nito. Pero makikita ang tunay na kagandahan ng punong ito sa kanyang mga ugat. Ang mga ugat nito ang nagbibigay ng sustansya at sumusuporta sa buong puno.
Tulad ng punong iyon, tila may matitibay tayong ugat na nagpapakita sa ating espirituwal na paglago. Nang ikuwento naman ni Jesus sa kanyang mga alagad ang talinghaga tungkol sa Manghahasik, binigyang-diin Niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matatag na relasyon sa Dios.
Habang lalong lumalalim ang ating pagtitiwala sa Dios, pinapanatili ng Banal na Espiritu ang ating pananampalatayang nag-uugat sa Kanya. Ayon sa Aklat ni Mateo, tinutulungan ng Dios ang Kanyang mga tagasunod sa tuwing humaharap sila mga pagsubok, pag- mamalupit at alalahanin (13:18-23).
Ang ating mapagmahal na Panginoon ang nangangalaga sa ating mga puso sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita. At habang patuloy tayong binabago ng Kanyang Espiritu, tinitiyak Niyang ang ating pananampalataya na nag-uugat sa Kanya ay maging kapansin-pansin sa mga taong nasa paligid natin.