Napakagandang mamasyal sa panahon ng tagsibol kasama ang aking asawa. Pero muntik nang mapalitan ang kagandahang iyon ng isang trahedya. Nakita ko ang isang senyas na nagsasabi na mali ang dinadaanan namin. Agad kong iniba ang daang tinatahak namin. Bigla ko ring naisip ang kapahamakang maaaring idulot nito sa amin kung hindi ko sinunod ang nakapaskil na senyas.
Binanggit naman sa huling bahagi ng aklat ng Santiago ang kahalagahan ng pagtutuwid. Sino sa atin ang hindi nakarinig ng mga pagtutuwid at paalala ng mga taong nagmamalasakit sa atin dahil sa tingin nila’y maliligaw tayo ng landas at makakasama ang mga gagawin nating desisyon? Maaaring nagdulot ng kapahamakan sa atin at sa kapwa natin ang mga desisyong ito kung hindi lang may isang taong naglakas-loob na nagtuwid sa atin sa tamang oras.
Binigyang-diin ni Santiago ang bunga ng mabuting pagtutuwid, “Dapat ninyong malaman na ang nagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang masamang pamumuhay ay nag- liligtas ng kaluluwa ng taong iyon sa kamatayan, at magdudulot ng kapatawaran ng maraming kasalanan” (5:20).
Isang pagpapakita rin ng awa ng Dios ang mga pagtutuwid Niya sa atin. Nawa ang pagmamahal at pagmamalasakit natin sa ating kapwa ang mag-udyok sa atin para maituwid sila at “makapagpabalik sa Kanya sa tamang landas” (Tal. 19).