Kung bukas lang ang radyo, malalaman sana nila na palubog ang barkong Titanic. Sinubukan ni Cyril Evans, ang namamahala ng radyo sa kabilang barko, na mag-iwan ng mensahe kay Jack Philips, ang tagasagot naman ng radyo sa barkong Titanic. Nais sabihin ni Cyril na nakakita sila ng malalaking yelo sa dagat.
Pero abala si Jack sa paghahatid ng ibang mensahe sa mga pasahero nila at sinabihan pa si Cyril na tumahimik. Dahil dito, pinatay ni Cyril ang kanyang radyo at natulog. Makalipas ang sampung minuto, bumangga sa malaking yelo ang Titanic. Walang sumasagot sa paghingi ng tulong ng barko dahil walang nakikinig sa kanila.
Binanggit naman sa 1 Samuel na hindi na nakikinig sa Dios ang mga pari ng Israel. Nagbunga ito ng kapahamakan. “Madalang nang makipag-usap ang Panginoon, at kakaunti na rin ang mga pangitain” (1 Samuel 3:1). Pero hindi sila sinukuan ng Dios. Muli Siyang nangusap sa pamamagitan ng batang si Samuel. Ang ibig sabihin ng pangalang Samuel ay “nakikinig ang Dios.” Ipinangalan ito ng nanay niya sa kanya dahil sinagot ng Dios ang mga panalangin nito para pagkalooban siya ng anak. Kailangan ding matutunan ni Samuel kung paano makinig sa Dios. Sinabi ni Samuel, “Magsalita po Kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang lingkod Ninyo” (Tal. 10).
Matuto rin nawa tayong makinig sa Dios at sumunod sa Kanyang sinasabi sa Banal na Kasulatan. Ilagak natin ang ating mga buhay sa paglilingkod sa Kanya.