Maagang gumising ang aking asawa at pumunta sa aming kusina. Binuksan niya ang ilaw at siniguro na walang anumang insekto na pumasok sa kusina. Noong nakaraang araw kasi ay nagulat siya sa aking sigaw nang may nakita akong kakaibang insekto doon. Takot ako sa mga insekto kaya mabilis na inalis ng aking asawa ang insektong pumasok sa aming kusina.
Maaasahan ang aking asawa dahil inuna niya ang aking kapakanan. Nagpapaalala ito sa akin ng pagmamahal na inilarawan ni Pablo sa Efeso 5:25, “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Cristo sa Kanyang iglesya. Inihandog Niya ang Kanyang sarili para sa iglesya.” Sinabi pa ni Pablo na, “Kaya dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili” (T. 28.). Ikinumpara ni Pablo ang pagmamahal ng isang asawa sa pagmamahal ni Cristo sa mga taong nagtitiwala sa Kanya. Palaging nagmamalasakit si Jesus sa ating kalagayan at inuuna Niya ang ating kapakanan.
Ang prinsipyo ng pagmamahal ay hindi lamang para sa mag-asawa. Dahil sa halimbawa na ibinigay ni Jesus, maaari din naman nating ipakita ang pagmamahal sa ating kapwa upang matulungan sila sa anumang problema na kanilang hinaharap sa buhay.