Nang manirahan kami sa ibang bansa, isa sa naging karanasan ko noong simula ay tila hindi ako tanggap ng ibang tao roon. Minsan, sumimba kaming mag-asawa kung saan naimbitahan ang aking asawa na magturo ng salita ng Dios. Maya-maya ay may isang matandang lalaki ang tumitig sa akin at sinabi na umurong ako sa kinauupuan ko. Humingi ng paumanhin sa akin ang asawa ng matandang lalaki at sinabi niya na nakaupo raw kasi ako sa puwesto ng kanyang asawa.
Lumipas ang mga taon at nalaman ko na pinapagbayad pala ng ibang samahan ang kanilang miyembro sa puwesto kung saan nila gustong umupo para makalikom ng pera para sa simbahan.
Naikumpara ko ang aking karanasan kung paano nagbigay ng utos ang Dios sa mga Israelita na tanggapin ang mga dayuhan. Pinaalala ng Dios sa mga Israelita na pakitunguhan nang maayos ang mga dayuhan dahil sila rin naman ay naging mga dayuhan sa Egipto (Levitico 19:34). Sinabi ng Dios na huwag nilang apihin ang mga dayuhan at ibigin din sila gaya ng kanilang sarili (T. 33,34). Iniligtas ng Dios ang mga Israelita sa pagkaalipin sa Egipto at dinala sila sa maganda at masaganang lupain (Exodo 3:17). Kaya inasahan ng Dios na mamahalin din naman ng mga Israelita ang mga dayuhang maninirahan sa kanilang lupain.
Kung may makakasalamuha tayo na isang dayuhan o isang taong hindi natin kilala, tulungan nawa tayo ng Dios na pakitunguhan siya ng tama at nang may pagmamahal.