Noong panahon ng Great Depression sa Amerika, kinuhanan ng larawan ng sikat na photographer na si Dorothea Lange si Florence Owens Thompson at ang kanyang mga anak. Ang larawang ito na may pamagat na Migrant Mother ay isang larawan na nagpapakita ng kapighatian ng isang ina dahil sa lubhang kahirapan na dinanas nila nang wala silang maani na pagkain. Dinala ni Lange ang larawang ito sa California nang magtrabaho siya sa Farm Security Administration upang makita ng mga tao roon ang paghihirap at pangangailangan ng mga magsasaka na minsan lamang umaani.
Mababasa rin naman natin sa aklat ng Panaghoy ang isa pang larawan ng kapighatian. Ito ay ang pagkawasak ng lungsod ng Jerusalem. Nang lusubin ng hukbo ni Nebucadnezar ang buong lungsod, nakaranas ang mga tao ng lubhang paghihirap at pagkagutom (2 Hari 24:10-11). Kahit na ang pagsalakay na ito ay resulta ng hindi pagsunod ng mga Israelita sa Dios, nanalangin pa rin ang may-akda ng aklat ng Panaghoy sa Dios para sa kanyang mga kababayan (Panaghoy 2:11-12).
Mababasa rin naman natin sa Salmo 107 ang paghingi ng tulong ng mga Israelita sa Dios nang sila ay nasa ilang at ang pagtugon sa kanila ng Dios: “Sa kanilang kahirapan, tumawag sila sa Panginoon, at iniligtas Niya sila sa kagipitan” (T. 6).
Nawawalan ka na rin ba ng pag-asa? Lumapit at tumawag ka sa Dios. Pakikinggan ka Niya at bibigyan ka Niya ng bagong pag-asa.