May tanong na nailathala sa diyarong The London Times: Anong problema sa mundo? Maraming sagot ang natanggap ng diyaryo pero may isang sagot na nangibabaw sa lahat. Apat na salita lamang ang isinulat na sagot ng manunulat na si G. K. Chesterton: “Ang problema ay ako.”
Masasabi nating tama ang sagot ni Chesterton. Sa Biblia naman ay mababasa natin ang tungkol kay apostol Pablo na umamin rin sa kanyang mga pagkakamali at mga kasalanan. Sinabi niya, “Inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa Kanya [kay Jesus])” (T. 13).
Sinabi rin niya na “ako ang pinakamakasalanan sa lahat” (T. 15). Nalalaman ni Pablo kung ano ang problema ng mundo at kung paano masosolusyunan ito.
Tanging ang biyaya ng Panginoon ang pag-asa natin upang maitama ang mga pagkakamali natin. Sa kabila ng ating pagiging makasalanan ay ipinadama pa rin ni Cristo ang Kanyang pagmamahal sa atin.