Napakaganda ng tunog ng pianong ginagamit ko noong hindi pa nawawala sa tono ang ilang mga nota. Tandang- tanda ko pa ang aking pagkamangha habang pinapakinggan ang pagtugtog sa pianong iyon ng ilang awitin tulad ng “Dakila Ka.” Sa pamamagitan ng piano tuner, muling maisasatono ang bawat nota na nawala sa tono para kapag tinugtog na ito, magkakalakip-lakip na ang lahat ng nota at makakabuo ulit ng maayos na musika.
Tulad naman ng mga magkakasaliwang nota, may mga pagkakataon na hindi rin nagiging maayos ang samahan ng mga nagtitiwala kay Cristo. Dahil ito sa magkakaibang mga talento o ninanais ng bawat isa. Sa Galacia 5, nanawagan si Pablo sa mga mananampalataya na talikuran na ang “pag-aaway-away, pag- kasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati” (Tal. 20) na sumisira sa relasyon nila sa Dios at sa bawat isa.
Hinikayat niya sila na mamuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbubunga ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili” (Tal. 22-23).
Kung namumuhay tayo ayon sa Banal na Espiritu, mas magiging madali para sa atin na maiwasan ang hindi natin pagkakaunawaan sa mga wala namang kabuluhang bagay. Mas manaig nawa ang ating iisang layunin kaysa sa ating mga pagkakaiba. Sa tulong ng Dios, magagawa nating magkaisa at magpakita ng kagandahang-loob sa bawat isa.