Ang pelikulang Bambi ay isang pelikula noong 1942 na muling ipinalabas sa mga sinehan. Tungkol ito sa buhay ng isang batang usa na si Bambi. May eksena sa pelikulang iyon kung saan binaril ng isang mangangaso ang nanay ni Bambi. Nakakalungkot na eksena iyon, pero may isang batang sumigaw sa sinehan na “Wow, ang galing ng tirang iyon!” Napahiya ang nanay ng bata dahil sa isinigaw ng kanyang anak. Malungkot na eksena kasi iyon subalit ang anak niya ay natuwa at namangha sa nangyari.
Minsan talaga ay natatawa na lamang tayo sa mga salitang binibitiwan ng ating mga anak. Hindi pa kasi nila alam kung minsan ang mga sinasabi nila. Sa Biblia naman ay may mababasa tayo sa Salmo 136 kung saan hindi natin mauunawaan kung bakit iyon nasabi ng mga Israelita. Nagdiriwang kasi sila sa pagliligtas ng Panginoon at tila nagpapasalamat sila sa masamang nangyari sa kanilang mga kaaway. Inawit nila ang papuri sa Dios na Siyang pumatay sa mga panganay na anak ng mga Egipcio (T. 10; Basahin din ang Exodo 12:29-30).
Hindi ba’t tila hindi tama ang pagsasabi ng ganito ng mga Israelita dahil parang nagiging masaya sila sa pagdurusang naranasan ng kanilang mga kaaway? Pero kailangan nating malaman ang buong kuwento rito.
Gayun din naman, tanging si Jesus lamang ang makakapagbigay kalinawan sa mga pangyayaring hindi natin lubos maunawaan. Kapag tinanggap natin Siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas ay mararanasan natin ang Kanyang pag-ibig na hindi natin kailanman maipapaliwanag.