Noong Abril 2019, natabunan ng damong tumbleweeds ang isang lugar sa California. Ang tumbleweeds ay mga tuyong damo na hinangin mula sa Mojave Desert. Tumataas ang damong ito ng halos anim na talampakan at nabubunot ang ugat nito kapag hinangin nang malakas.
Ipinapaalala sa akin ng tumbleweeds ang paglalarawan ni Propeta Jeremias sa isang taong lumalayo sa Panginoon (Jeremias 17:5). Sinabi niya na ang taong nagtitiwala lamang sa tao ay matutulad sa isang maliit na punongkahoy sa ilang na walang magandang kinabukasan (T. 5-6). Kabaligtaran naman ito ng taong nagtitiwala sa Dios sa halip na sa tao. Katulad siya ng mga puno na matibay at malalim ang ugat kaya hindi mabubuwal sa panahon ng tagtuyot. Kumukuha siya ng lakas sa Dios kaya naman nagiging masigla at may pag-asa ang kanyang buhay.
Parehas na may ugat ang mga puno at tumbleweeds. Pero ang tumbleweeds ay madaling nabubunot ang ugat kaya madaling namamatay. Ang mga puno naman ay matibay ang ugat kaya yumayabong at hindi madaling nabubuwal.
Ganoon din naman, kung matatag ang pananampalataya natin sa Dios at kung sa Kanyang lakas tayo palaging umaasa ay hindi kailanman tayo magkuklang. Pagtibayin natin ang ating pagtitiwala sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa ng Biblia.