Maysakit ako na tinatawag na SAD o Seasonal Affective Disorder. Isa itong karamdaman na karaniwan sa mga taong nakatira sa mga lugar na nagkakaroon ng niyebe. Isa itong uri ng sakit kung saan nakakaramdam ako ng matinding lungkot tuwing panahon ng taglamig dahil natatakot ako na baka hindi na tumigil ang panahong ito.
Pero tuwing nagsisimula na ang panahon ng tagsibol, napapaalalahanan ako nito na nagbibigay ang Dios ng pag-asa sa mga madidilim na panahon ng ating buhay. Naranasan din naman ni Propeta Mikas ang pag-asang ito kahit na tumalikod ang mga Israelita sa Dios. Nalungkot si Micas dahil wala na siyang nakitang tao sa Israel na tapat sa Dios (Micas 7:2).
Pero kahit na napakahirap ng sitwasyon, hindi nawalan ng pag-asa si Propeta Micas. Patuloy siyang nagtiwala na kumikilos ang Dios (T. 7) kahit na hindi pa niya lubos na nakikita ang katuparan na magiging maayos ang mga mangyayari. Nararanasan din naman natin ang matitinding pagsubok sa ating buhay. Pero mawawalan ba tayo ng pag-asa o magtitiwala at maghihintay sa pagliligtas ng Panginoon? (T. 7).
Hindi mabibigo ang ating pag-asa sa Dios (Roma 5:5). Darating ang panahon kung kailan wala nang kalungkutan, iyakan o sakit (Pahayag 21:4). At habang hinihintay natin ang panahong iyon, magtiwala tayo sa Dios at sabihin natin sa Kanya na, “Kayo lang ang tanging pag-asa ko” (Salmo 39:7).