May kasamang ubasan ang bahay na nabili namin. Dahil doon, pinag-aralan naming pamilya kung paano ito aalagaan at palalaguin. Nang dumating na ang panahon ng aming unang pag-ani, pumitas ako ng isang ubas at tinikman ito. Pero nadismaya ako dahil maasim ang lasa nito.
Ang pagkadismayang naramdaman ko ay katulad ng mababasa sa Aklat ni Isaias sa Biblia. Inihalintulad dito ang relasyon ng Dios sa bansang Israel sa pag-aalaga ng ubasan. Ang Dios ay inilarawan dito na magsasaka. Inaararo Niya ang lupa at tinamnan ng mga piling ubas.
Nagtayo rin Siya ng isang bantayang tore sa ubasang ito, at nagpagawa ng pigaan ng ubas sa bato (Isaias 5:1-2). Ang ubasan ng Panginoon na Kanyang inalagaan ay ang Israel. Umasa Siyang paiiralin nila ang katarungan at katuwiran pero pumatay sila at pang-aapi ang ginawa nila (T. 7). Hindi nagtagal ay pinarusahan ng Dios ang Israel subalit iniligtas Niya ang ilang mga tao na namumunga nang sagana.
Sinabi naman ni Apostol Juan kung paano inilarawan ni Jesus ang Kanyang sarili bilang puno ng ubas. Sinabi Niya, “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang Aking mga sanga. Ang taong nananatili sa Akin at Ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami” (Juan 15:5). Inilarawan ni Jesus ang mga nagtitiwala sa Kanya na mga sanga na nakadikit sa Kanya na Siyang puno ng ubas. Mananatiling may kaugnayan tayo kay Jesus sa pamamagitan ng ating pananalangin at pagtitiwala sa Kanya. Sa gayon, patuloy na lalago ang ating pagmamahal sa Dios.