Sumali ang dalawa kong apo sa teatro na Alice in Wonderland Jr. Nais nilang maging bida sa palabas na iyon. Pero hindi sila nakuha bilang bida. Ang ginampanan lamang nilang papel ay mga bulaklak na umaawit. Pero sinabi sa akin ng aking anak na masayang-masaya ang mga apo ko para sa kanilang mga kaibigan na naging bida sa palabas.
Nakakamangha kung ganito ang makikita natin sa kapulungan ng mga sumasampalataya kay Cristo. May mahahalagang papel na tila bida na dapat gampanan sa mga pagtitipon ng mga mananampalataya. Pero, hindi ibig sabihin na hindi mahalaga ang ginagawa ng isang mananampalataya na hindi masyadong mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan sa loob ng simbahan. Gawin natin ng buong tapat ang tungkuling ipinapagawa sa atin ng Dios. Kung iba man ang gumaganap ng gawain na ating gusto, tulungan at palakasin natin ang kanilang loob.
Ang paglilingkod naman sa iba ay isang paraan upang ipakita natin ang pagmamahal natin sa Dios. Sinabi ng Dios, “Hindi [Ko] magagawang kalimutan ang inyong mabubuting gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa [Akin] at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa pinabanal” (Hebreo 6:10). “Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Dios” (1 Pedro 4:10).
Isipin mo na lamang kung ginagamit ng bawat isa ang kanyang kaloob upang mapapurihan ang Dios. Magbibigay kagalakan ito sa atin at lubos na malulugod ang Panginoon.