Isa ang pamilya ni Gabe sa naapektuhan ng sunog sa kagubatan ng California noong 2018. Dahil sa nangyari sa kanila, hindi siya nakadalo sa ensayo ng karera ng takbuhan kung saan pipiliin ang magiging panlaban ng kanilang paaralan. Malaking bagay iyon kay Gabe dahil matagal na niya iyong pinaghandaan. Buti na lamang at binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon. Kailangan niyang ipakita ang kanyang galing sa takbuhan sa lugar ng kanilang mga kalaban.
Dahil nasunog ang kanyang sapatos, desidido siyang gamitin ang kanyang tsinelas sa pagtakbo. Pero laking gulat niya ng pahiramin siya ng sapatos ng kanyang mga katunggali at sinabayan pa siya ng mga ito sa pagtakbo upang siguraduhing makakapasok siya sa paligsahan.
Hindi obligasyon ng kalabang pangkat na tulungan si Gabe. Maaaring mas tumaas ang pagkakataon nilang manalo kung sariling kapakanan ang kanilang iisipin (Galacia 5:13). Pero, hindi nila piniling maging makasarili para masigurado ang pagkapanalo.
Hinihikayat din naman tayo ni Apostol Pablo na isipin ang kapakanan ng iba at isabuhay ang bunga ng Espiritu – ang magmahalan at magtulungan (Tal. 13, 22). Kapag umasa tayo sa tulong ng Banal na Espiritu, magagawa nating mahalin ang mga taong nasa ating paligid.