Minsan, dinala namin ang aming mga mag-aaral sa isang obstacle course kung saan kinailangan nilang umakyat sa isang pader na walong talampakan ang taas. Kahit na nagbibigay ng lakas ng loob ang mga nauna nang umakyat, may mga mag-aaral pa rin ang natatakot at nawawalan ng tiwala. Sinabi ng isang estudyante, “Imposibleng maakyat ko iyan.” Dahil sa patuloy naming paghikayat at pagsigurado sa kanyang kaligtasan, umakyat na rin siya.
Kapag nahaharap tayo sa problema na parang imposibleng mapagtagumpayan, natatakot at nagdududa tayo. Subalit, ang kakayahan, kabutihan at katapatan ng Dios ang lumilikha ng matibay na buklod ng pagtitiwala.
Ang pagtitiwalang ito ang nagbigay ng tapang sa mga lingkod ng Dios sa Lumang Tipan, upang ipamalas ang isang pananampalataya kahit hindi nila alam ang detalye ng plano ng Dios (Hebreo 11:1-13, 39). Maaari nating ituring ang mga pagsubok sa buhay na bahagi ng ating pagsasanay upang tumatag ang ating pananampalataya. Alam naman natin na ang mga ito ay panandalian lamang (Tal. 13-16).
Kung sa mga pagsubok sa buhay nakatuon ang ating isip, inilalayo natin ang ating sarili sa paniniwalang tutulungan tayo ng Dios. Makasisigurado tayong kasama natin Siya, makakaya nating mapagtagumpayan sa pamamagitan ng pananampalataya ang anumang balakid na mukhang imposible.