Sa lakas ng bagyo ay parang hinahagupit ang puno ng cedar sa bakuran nina Regie. Dahil mahalaga ang punong ito sa kanila, kaagad siyang humingi ng tulong sa kanyang 15 taong gulang na anak upang pigilan ang tuluyang pagkabunot ng ugat nito. Walang nagawa ang pinagsama nilang lakas para mapigilan ang pagbagsak ng puno.
Ang Dios naman ang naging kalakasan ni Haring David na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia sa pagharap niya sa bagyo ng buhay (Salmo 28:8). Ayon sa mga dalubhasa, gumuho ang mundo ni David noong pinagtaksilan siya ng kanyang anak maagaw lamang ang trono (2 Samuel 15).
Natakot si David na hindi siya pakikinggan ng Dios at hahayaan siya nitong mamatay (Salmo 28:1). Sinabi ni David sa Dios, “Pakinggan N’yo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa Inyo ng tulong” (Tal. 2). Binigyan ng Dios si David ng kalakasan para magpatuloy, kahit na hindi na naayos ang kanyang relasyon sa anak.
Walang sinuman ang nagagalak sa masasamang pangyayari. Pero sa ating kahinaan, nangako ang Dios na siya ang ating batong kanlungan (Tal.1-2). Makaaasa tayo na Siya ang Pastol na kakalong sa atin magpakailanman (Tal.8-9).