Sa bansang El Salvador, makikita ang pagpapahalaga nila sa Panginoong Jesus. Gumawa sila ng bantayog ni Jesus at inilagay nila ito sa gitna ng lungsod. Madali itong makita sa kanyang taglay na laki at dahil sa pangungusap na nakaukit dito – The Divine Savior of the World.
Naipapaalala naman ng bantayog na iyon ang sinasabi sa Biblia tungkol kay Jesus na siyang nag-aalok ng kaligtasan para sa lahat (1 Juan 4:14). Siya ang Dios na nag-alay ng buhay para sa kaligtasan ng lahat ng magtitiwala sa Kanya.
Naglakbay naman si Apostol Pablo sa iba’t ibang parte ng mundo upang ipahayag ang tungkol sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Ipinahayag ni Pablo ang Magandang Balita sa mga sundalo, gobyerno, mga Israelita at mga Hentil. Ipinaliwanag ni Pablo na maaaring magkaroon ng maayos na relasyon ang isang tao sa Dios. Kailangan lang niyang magtiwala sa Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas at sumampalataya na si Jesus ay ang Panginoon na muling nabuhay (Roma 10:9). Ang bawat isang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapapahiya. Ang bawat isang tatawag sa Panginoon ay maliligtas (Tal. 11, 13).
Nawa magkaroon tayo ng maayos na relasyon sa Dios sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesus. Masumpungan din nawa natin ang kahalagahan ng kaligtasang ibinibigay Niya.