Noong ikalabing pitong siglo, nagsilbi si Marti Rinkart bilang isang pastor sa Saxony, Germany sa loob ng higit 30 taon. Panahon noon ng digmaan at pagkalat ng malubhang sakit. Sa loob ng isang taon, nanguna siya sa higit 4,000 na seremonya ng libing, kasama na ang libing ng kanyang asawa. Sa halip na mawalan ng pag-asa, nanatili siyang nagtitiwala sa Dios at patuloy siyang nagpapasalamat. Ibinuhos niya ang kanyang pasasalamat sa Dios sa nilikha niyang himno na pinamagatang “Nun danket alle Gott”.
Sinunod ni Rinkart ang halimbawa ni Propeta Isaias na nagturo sa mga tao na magpasalamat sa Dios sa lahat ng pagkakataon, kasama ang mga panahon na nabigo nila ang Dios (Isaias 12:1) o kapag inuusig sila ng kaaway. Kahit ganoon ang kinahaharap nila, pinupuri nila ang Dios at ipinapahayag sa iba na karapat-dapat Siyang pasalamatan (Tal. 4).
Madali sa ating magpasalamat sa panahon ng mga kasiyahan at sa panahong tinatamasa natin ang masaganang pagpapala ng Dios kasama ang ating mga kaibigan at pamilya. Pero, kaya ba nating magpasalamat sa Dios sa panahon ng pagsubok o namatayan tayo ng mahal sa buhay? Magagawa ba nating magpasalamat kung nahihirapan tayo sa ating pinansyal na kalagayan?
Sama-sama nawa tayong magpuri at magpasalamat sa Dios. Umawit tayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang Kanyang mga ginawa. (Tal. 5).