Minsan, nakipagtagpo ako sa aking mga kaibigan. Habang nakikinig ako sa mga kuwento nila, napansin ko na lahat kami ay kasalukuyang dumaranas ng mga matitinding pagsubok sa buhay. Dalawa sa kaibigan ko ang may cancer ang mga magulang. Ang isa naman ay may karamdaman ang anak at ang isa ay may karamdaman na kailangang maoperahan.
Ipinapaalala naman sa Lumang Tipan ng Biblia ang isa sa mahalagang bahagi ng kasaysayan sa Israel. Ito ay nang dinala ang Kaban ng Tipan sa bayan ni David sa Jerusalem (1 CRONICA 16). Ayon kay Propeta Samuel, iyon ay nangyaring mapayapa sa gitna ng mga digmaan (2 SAMUEL 7:1).
Nang ang kaban ng tipan ay naisaayos na, pinangunahan ni David sa pag-awit ang sanlibutan. (1 CRONICA 16:8-36). Sama-sama silang umawit nang tungkol sa kadakilaan ng Dios, sa Kanyang pagtupad sa mga pangako at pagbibigay ng proteksyon (TAL. 12-22). Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa Kanya. (TAL. 11). Nararapat nating gawin ito sapagkat madami pang pagsubok ang darating sa ating mga buhay.
Sa tuwing makararanas tayo ng pagsubok sa buhay, alalahanin natin na ang ating Dios ay handang tumulong sa atin. Siya ang makapangyarihang Dios na nagbibigay sa atin ng lakas para maharap ang mga pagsubok sa buhay.