Kasama kami ng aking ama habang siya ay unti-unting nawalan ng hininga. Sa edad na 89 ay kinuha na siya ng ating Panginoon. Ang paglisan niya ay nag-iwan ng puwang sa aming mga puso at hanggang ngayon ay ginugunita namin siya sa kanyang mga alaala. Buo ang aming pag-asa na darating ang araw na magkakasama-sama muli kami .
Nananatili kaming umaasa na makakasama namin siya sapagkat naniniwala kami na ang aming ama ay kapiling na ng Dios na nagmamahal sa kanya. Kahit na sa unang beses ng paghinga ng aking ama, naroon ang Dios upang bigyan siya ng buhay (Isaias 42:5).
Nalalaman ng Dios ang bawat detalye ng ating buhay. Siya ang lumikha sa bawat isa sa atin at nagbigay hugis atin sa sinapupunan ng ating mga ina (Salmo 139:13-14). Sa panahon ng huling hininga ng aking ama, alam kong kasama niya ang Banal na Espiritu, hinahawakan siya at kinakalinga (Tal. 7-10).
Nalalaman ng Dios ang bawat detalye ng ating buhay at kung ano ang ating mga ginagawa (Tal. 1-4). Bawat isa sa atin ay mahalaga sa Dios. Sa bawat araw ng ating buhay, sama-sama natin Siyang papurihan at sambahin. Purihin ang Panginoon! (150:6).