Ginawang inspirasyon ng mang-aawit na si Chris Stapleton ang panalangin para sa kanya ng kanyang ama. Sa paggawa ng kantang “Daddy Doesn’t Pray Anymore,” (Hindi na Nananalangin si Tatay.) Nakasaad sa kanta ang dahilan kung bakit hindi nakapagdadasal ang ama: Hindi dahil sa pagkabigo o sa pagkapagod, kundi dahil sa pagpanaw ng kanyang ama. Iniisip na lamang ni Stapleton na personal nang kinakausap ng kanyang ama si Jesus at hindi sa panalangin.
Naalala ni Stapleton sa panalangin ng kanyang ama para sa kanya ang isa pang amang nanalangin din para sa kanyang anak. Si haring David para kay Solomon. Inihanda ni David ang mga kakailanganin ni Solomon para maging susunod na hari ng Israel.
Sa harap ng buong Israel, matapos ang pagpapahid ng langis kay Solomon. Pinangunahan ni David ang lahat para magdasal. Inalala din ni David ang mga pagkakataon na nagpapakita ng katapatan ng Dios sa Israel, ipinanalangin din ni David na manatiling tapat sa Dios ang mga tao. Isinama rin ni David ang kanyang personal na panalangin para sa kanyang anak. “Tulungan ninyo ang anak kong si Solomon na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga utos at tuntunin” (1 Cronica 29:19).
Maging tayo ay mayroon ding pribilehiyong tapat na manalangin sa Dios para sa mga taong inilaan Niya sa ating buhay.