Umuwi sina Heide at Jeff mula sa trabaho sa isang bansang mayroong mainit na klima. Nanatili sila malapit sa isang kamag-anak sa Michigan, sakto sa panahon ng taglamig. Ito ang unang beses na makikita ng sampung anak nila ang kagandahan ng snow.
Ngunit dahil sa taglamig, kinakailangan ng pamilya ng mga damit at gamit na panglamig. Dahil nga malaki ang kanilang pamilya, malaki rin ang magiging gastos para sa mga ito. Pero nagkakaloob ang Dios. Dahil isa-isang nag-abot ang kanilang mga kapitbahay ng kanilang pangangailangan. Isa ring kaibigan nila ang humimok sa mga kasamahan nila sa pananambahan na mangolekta ng mga damit pang-lamig para sa lahat ng miyembro ng pamilya. Kaya nang dumating ang taglamig ay mayroon na silang lahat ng kanilang kailangan.
Ang isa sa mga paraan upang makapaglingkod tayo sa Dios ay ang tumulong tayo sa mga taong nangangailan. Hinihikayat tayo ng 1 Juan 3:16-18 na tumulong kung anong meron tayo. Sa pamamagitan ng pagtulong nagiging tulad na tayo ni Jesus. Dahil nagsisimula na tayong magmahal na tulad Niya at makita ang mga tao tulad Niya.
Ginagawang kasangkapan ng Dios ang Kanyang mga anak, upang masagot at mapunan ang mga panalangin sa Kanya. At tuwing tumutulong tayo sa ating kapwa napapasigla nito ang ating sarili tulad ng ating mga tinulungan. Bilang bunga, lumalago rin ang sarili nating pananampalataya dahil binibigyan tayo ng Dios ng panibagong paraan para makatulong.