Naisip ng isang ina na malaki ang nagagastos niya sa pagbili ng regalo para sa kanyang pamilya tuwing Pasko. Kaya nagdesisyon siyang mag-ukay-ukay para sa taong iyon, para maiba. Mas marami siyang nabiling pangregalo pero sa murang halaga. Disperas ng Pasko, masayang nagbukas ng mga regalo ang kanyang mga anak.
Kinabukasan naman meron paring mga regalo. Dahil nakonsensya ang ina na wala siyang nabiling bagong bagay para sa mga anak. Sinimulan muli ng mga batang magbukas ng regalo. Pero agad din silang nagreklamo “pagod na po kaming magbukas pa ng regalo. Marami na po kayong naibigay sa amin.” Hindi ito pangkaraniwang sagot ng bata sa araw ng Pasko.
Pinagkalooban tayo ng Dios ng sobra-sobra. Pero lagi pa rin tayong naghahanap ng higit pa: mas malaking bahay, mas magandang sasakyan, mas malaking pera sa bangko at marami pang iba. Ganito naman hinimok ni Pablo si Timoteo para ipaalala sa kanyang mga kasama sa kongregasyon na “wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pagalis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.” (1 Timoteo 6:7-8).
Ibinigay ng Dios ang ating hininga, maging ating buhay. Gayundin sa ating mga pangangailangan. Masarap isiping nasisiyahan at kontento tayo sa kaloob sa atin ng Dios at masabi rin nating, “Marami na po Kayong ibigay sa amin! Hindi na po namin kailangan ang sobra.” “Ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan” (Tal. 6, TLAB).