Noong bata pa ako, sa tuwing dumadating si tita Betty, pakiramdam ko laging pasko. Lagi niya akong binibigyan ng laruan at pera. Kapag naman nagpupunta ako sa bahay niya, pinupuno niya ng sorbetes ang freezer at hindi din siya nagluluto ng gulay. Mayroon si titang kaunting patakaran. Pero pwede pa rin akong magpuyat. Nakamamangha talaga si tita, sinasalamin niya ang pagiging mapagbigay ng Dios. Pero para lumaking maayos. Hindi pwedeng umasa lang ako lagi sa paraan ni tita Betty. Kailangan ko pa rin ang aking mga magulang para paalalahanan ako tungkol sa aking pag-uugali.
Kumpara kay tita Betty higit pa rin ang ibinibigay na pagmamahal ng Dios para sa atin. Inaasahan tayo ng Dios. Noong inutusan ng Dios kung paano mamumuhay ang mga Israelita, ginawa Niya ang Sampung Utos, hindi sampung payo (Exodus 20:1-17). Dahil alam ng Dios na niloloko natin ang ating sarili. Kaya inaasahan ng Dios na: “kung minamahal natin ang Dios at sinusunod natin ang kanyang mga utos” (1 Juan 5:2).
Buti na lang “hindi naman mahirap sundin ang Kanyang mga utos” (T. 3). Sa tulong ng Banal na Ispiritu, kaya nating isabuhay ang mga utos at madama ang pagmamahal at kasiyahan ng Dios. Ngunit may tanong sa para atin ang Kasulatan. Upang malaman natin kung totoong mahal natin ang Dios: Sinusunod ba talaga natin ang Kanyang mga utos?
Pwedeng nating sabihing mahal natin ang Dios, pero mas makikita ito sa ating gawa.