Aksidenteng may nakapagdeposito ng 120,000 dolyar sa bangko ng isang mag-asawa sa kanilang account at ginamit nila ang pera para bumili ng mga bagay na gusto nila. Bumili sila ng iba’t-ibang uri ng sasakyan. Nagbayad din sila ng kanilang iba pang bayarin. Pero, nang madiskubre ng bangko ang kanilang pagkakamali, hiniling nilang ibalik ng mag-asawa ang pera. Sa kasamaang palad, nagastos na ito ng mag-asawa. Kaya naman, inakusahan sila ng pagnanakaw. Ayon sa isang panayam, “Nakinig daw ang mag-asawa sa maling payo.” Natutunan naman ng mag-asawa na ang pagsunod sa maling payo ay magdudulot ng hindi maganda sa kanilang buhay.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng isang salmista ang isang mahusay na payo na tutulong sa atin upang mapabuti ang ating buhay. Isinulat niya na ang sinumang nakatagpo ng tunay na kaligayahan, ang mga taong pinagpala ay ang mga taong hindi na maniniwala sa mga payo ng mga taong hindi naman naglilingkod sa Dios (Salmo 1:1).
Dahil alam nila na ang hindi mahusay at maka-dios na payo ay maghahatid sa kanila ng kapahamakan. Ang mga taong ito ay nagagalak at nagbibigay ng oras sa paghahanap ng katotohanan sa Biblia (T. 2). Dahil ang magpasakop sa patnubay ng Dios ang maghahatid sa kanila ng kasiguraduhan at kasaganaan (T. 3).
Kaya naman sa tuwing magpapasya tayo, tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng ating buhay malaki o maliit man ito, lagi nating hanapin ang kaalaman ng Dios sa Biblia, at ang patnubay at gabay ng Espiritu. Kailangan at mapagkakatiwalaan natin ang patnubay ng Dios upang makapamuhay tayo ng payapa at hindi sa gulo.