Itinuturing ni Dnyan ang kanyang sarili na mag-aaral ng mundo. Sinasabi pa niya na “isa itong malaking paaralan” sa bawat siyudad at bayan na kanyang nadadaanan. Sinimulan ni Dnyan ang kanyang paglalakbay noong 2016 upang makakilala at matuto sa mga taong kanyang makakasalamuha. Kapag hindi sila nagkaka-unawaan ng kausap, nakadepende siya sa kanyang cellphone para sa pagsasalin ng salita.
O kaya naman nagkakaintindihan na lamang sila sa tingin. Hindi sinusukat ni Dnyan ang kanyang paglalakbay sa layo ng kanyang narating o sa mga tanawing kanyang nakita. Kundi, sinusukat niya ito sa mga taong nag-iwan ng tatak sa kanyang puso: “Maaaring hindi ko alam ang iyong lenggwahe, pero gusto kong malaman kung sino ka.”
Napakalaki ng mundo, pero alam ng Dios ang lahat ng tungkol dito at sa mga taong nandito ng lubusan. Namangha naman ang salmistang si David sa mga nilikha ng Dios: ang paggawa ng langit, ng buwan at mga bituin (Salmo 8:3). Napa-isip din si David ng “ano ba ang tao upang Inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang Inyong kalingain?” (T. 4).
Kilala ka ng Dios ng lubusan, higit pa sa kahit sinong kakilala mo at nag-aalala Siya para sa iyo. Ito naman ang maaari nating maging sagot “O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo!” (TAL. 1, 9).