‘Huwag kang susuko’, ‘Maging dahilan ka ng pagngiti ng iba’ at ‘Kahanga-hanga ka’. Ilan lamang ang mga mensaheng ito na nakasulat sa mga itinitindang saging sa isang eskuwelahan sa Amerika. Naglalaan talaga ng oras ang namamahala sa kantina ng eskuwelahan para magbigay ng lakas ng loob sa mga estudyante. Tinawag ito ng mga bata na “Nagsasalitang mga Saging.”
Ipinaalala naman nito sa akin ang mabuting puso ni Bernabe na nagpakita ng pagmamalasakit sa mga taga-Antioc (Gawa 11:22-24). Kilala siya sa kanyang kakayahang mapakapagbigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa mga tao. Sa patnubay ng Banal na Espiritu at matibay na pananampalataya sa Dios, “marami sa Antioc ang sumampalataya sa Panginoon” (Tal. 23). Marahil naglaan siya ng oras sa mga nangangailangan ng tulong at pinalakas ang kanilang loob sa pamamagitan ng pagsasabing, ‘Patuloy na Manalangin’, at ‘Magtiwala sa Dios’.
Tulad ng mga estudyante, nangangailangan din ng pagpapalakas ng loob ang mga bagong mananampalataya. Sa pamamagitan nito’y lalo silang lalago at madidiskubre nila kung saan sila mahusay. Maaari kasi na hindi nila lubos na malalaman kung ano ang nais na gawin ng Dios sa pamamagitan nila dahil sa pagkilos ng kaaway na humahadlang sa pagtatag ng kanilang pananampalataya.
Nalalaman naman natin na mga matagal ng mananampalataya kung gaano kahirap ang mamuhay para kay Jesus. Nawa sa tulong ng Banal na Espiritu na gumagabay sa atin ay makapagpalakas tayo ng loob ng iba at makatanggap din naman tayo nito.