Sinabi ni Pastor Tim Keller “walang sinuman ang nakakakilala sa kanyang sarili kung sasabihin lamang. Dapat itong ipakita.” Katulad ng kasabihang “actions speak louder than words.” Ipinapakita ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa kanilang pakikinig. Ipinapakita naman ng mga magulang sa kanilang mga anak na sila ay mahalaga sa pamamagitan ng pagaalaga sa kanila. Sa ganito ding paraan, kapag maling pamamaraan ang ating ipinakita sa tao, maipapakita natin ang masasakit na bagay na magbibigay ng maling kaisipan.
Sa lahat ng mensaheng nakabase sa kilos sa buong mundo, isa lang ang mahalaga. Kung gusto nating makita kung sino tayo sa mata ng Dios. Hindi na natin kailangan tumingin sa malayo. Tingnan lamang natin ang Kanyang ginawa sa krus.
Sa Roma 5:8, sinulat ni apostol Pablo, “Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayo’y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.”. Ipinakita ng krus kung sino tayo. Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan: Ibinigay Niya ang kanyang Bugtong na Anak (Juan 3:16).
Iba sa halo-halong mga mensahe at nakakalitong kilos ng mga nagkasalang tao dito sa makasalanang mundo, maliwanag ang mensahe ng Dios. Sino ka? Ikaw ay minamahal ng Dios at ibinigay Niya ang Kanyang anak. Para sa iyong kaligtasan. Isaalang-alang mo ang Kanyang naging kabayaran para sa iyo. Ganoon din sa katotohanang para sa Kanya, ikaw ay karapat-dapat.