Hindi tamang uniporme ang naisuot ng team ng Argentina sa kanilang sinalihang torneyo sa basketball. Ang kanilang suot na navy blue ay kapareho ng dark blue ng uniporme ng team ng Columbia. Dapat kasi puti ang suot nila dahil sila ang pumunta sa Columbia. Dahil wala na silang oras upang makapagpalit ng damit. Ipinasya nilang umurong na lang sa laban. Sa hinaharap, sisiguraduhin na ng taga-Argentina ang kanilang suot.
Sa panahon naman ni propeta Zacarias, ipinakita ng Dios sa kanya ang isang pangitain. Sa kung saan ang punong pari na si Josue ay nakasuot ng mabaho at maduming damit na humarap sa Dios. Pinansin at ipinunto ito ni Satanas. Hindi siya karapatdapat. Tapos na ang laban! Pero meron pang oras para magbago. Sinagot ng Dios si Satanas, sinabi ng Dios sa Kanyang anghel na alisin ang maruming kasuotan ni Josue. Sinabi rin ng Dios “Inalis ko na ang iyong mga kasalanan. Ngayon, bibihisan kita ng bagong damit” (T. 4).
Dumating tayo sa mundong ito na suot-suot ang kasalanan ni Adan, na sinama pa natin ng sarili nating kasalanan. Kung magpapatuloy tayo sa ating maduming kasuotan, maaari tayong matalo sa laro ng buhay. Ngunit kung narurumihan na tayo sa ating kasalanan at lalapit kay Jesus, bibihisan Niya tayo mula ulo hanggang paa ng Kanyang sarili at ng Kanyang pagiging matuwid. Ngayon na ang oras upang tingnan natin, Sino ba ang ating suot?
Ipinaliwang sa huling linya ng himnong “Matibay Kong Bato” kung paano tayo nanalo: “Pag trumpeta’y hinipan na, Nawa’y matagpuan Ka N'ya; Na may suot na katwiran, Walang dungis, kay Kristo lang.”