Inanunsyo ng kapitan ang pagkakaroon ng “delay” o pagkaantala sa aming pag-alis. Sa loob ng dalawang oras, nakaupo lang ako at walang ibang magawa, kaya naman naiinis na ako. Dahil matapos ang isang linggong pagtratrabaho sa malayo, gustong-gusto ko nang makauwi at magpahinga. Pero hanggang kailan? Sa pagtingin ko sa labas ng bintana. Napansin ko ang berdeng damo na tumubo sa may runway. Isang hindi pangkaraniwang tanawin sa gitna ng sementadong daan.
Bilang isang mahusay na pastol si David, alam niya kung paano mabigyan ng mas magandang damo ang kanyang mga tupa. Sa Salmo 23, natutunan niya ang isang mahalagang aral na magpapatuloy sa kanya sa nakakapagod na pamumuno niya sa Israel bilang hari. “Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Pinagpapahinga Niya ako sa masaganang damuhan, ... panibagong kalakasan ako’y Kanyang binibigyan (T. 1-3).
Sa sementadong paliparan, ang pagkaantala ng aking pag-alis at pakiramdam ng kulang sa pahinga. Ang Dios na Siyang aking Pastol, ay dinala ang aking mata sa berdeng damo na iyon. Sa aking relasyon sa Kanya, maaari kung makita ang Kanyang patuloy na pagbibigay ng kapahingahan saan man ako naroroon.
Ang aral na iyon ay nanatili sa haba ng panahon: tumingin tayo sa luntian. Andoon iyon. Kapag kasama natin ang Dios sa ating buhay, walang kulang sa atin. Pinagpapahinga Niya tayo sa luntiang pastulan at nililinis ng ating kaluluwa.