Mayroong isang diyalogo na hindi na pinag-usapan sina Jose at Maria habang iniintay nila ang paglabas ng kanilang sanggol. Ang kung “ano ang ipapangalan sa bata?” Dahil sinabi na ng mga anghel sa kanila na ang magiging pangalan ng bata ay Jesus (Mateo 1:20-21; Lucas 1:30-31). Ipinaliwanag ng anghel na nagpakita kay Jose na ang kahulugan ng pangalan ng bata ay “iligtas ang Kanyang mamamayan sa kanilang mga kasalanan.”
Pinangalanan din Siyang Emmanuel (Isaias 7:14), na ang ibig ay “kasama natin ang Dios,” dahil Siya ang Dios na nagkatawang tao at nabalot ng damit. Ipinahayag din ni propeta Isaias ang titulong “Kahanga hangang Pantas” “ Makapangyarihang Dios” “Walang Hanggang Ama,” at “Prinsipe ng Kapayapaan” (9:6), dahil magiging Siya ang mga iyon.
Nakakatuwa ang magpangalan sa mga bata. Ngunit walang ibang sanggol ang nagkaroon ng makapangyarihan, nakakapanabik, at makapagpapabagong pangalan tulad ng nag-iisang “Jesus na tinawag na Mesiyas” (Mateo 1:16). Isang karangalan ang “kumilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 1:2)! Walang sinuman sa mundong ito ang makapagliligtas sa atin (Gawa 4:12).
Purihin natin si Jesus at pagbulayan ang Kanyang kahulugan sa atin ngayong kapaskuhan.