Noong 1997, sa Ironman Triathlon sa Hawaii, may dalawang babae ang nagsumikap na matapos ang karera. Pagod man, at nanghihina ang kanilang mga tuhod patuloy pa rin silang tumakbo. Hanggang sa bumangga si Sian Welch kay Wendy Ingraham at pareho silang bumagsak. Ilang metro nalang ang layo sa finish line pero nahihirapan na silang tumayo. Kaya naman, gumapang sila at nagpalakpalakan ang mga tao ng makita nila ito. Nagtapos si Wendy sa ika-apat na pwesto. Pagkatapos, tiningnan at inabot niya ang kamay si Sian na natapos na panglima.
Marami ang humanga sa pagkompleto ng dalawa sa 140 na milya na paglangoy, pag-babike at pagtakbo. Ngunit ang imahe ng pagod na magkalaban ang tumatak sa aking isipan, patotoo ito sa katotohanan ng Mangangaral 4:9-11.
Walang masama kung aamin tayong kailangan natin ng tulong sa ating buhay (T. 9), lalo na’t hindi naman talaga natin naitatanggi o naitatago ang ating mga pangangailangan sa Dios. Dahil alam Niya ang lahat. Meron kasing mga oras na bumabagsak tayo, pisikal man yan o emosyonal.
Ang malamang hindi tayo nag-iisa ang nagpapalakas sa atin upang magpatuloy. Sa tulong na rin ng ating mapagmahal na Ama, pinapalakas Niya tayo upang makatulong din tayo sa mga nangangailangan at malaman nilang hindi sila nag-iisa.