Sa aking pagtingin sa ginawang pandekorasyon ng anak kong si Xavier para sa pasko at sa iba pang bigay ng kanyang lola. Hindi ko alam kung bakit, pero nakukulangan pa rin ako sa dekorasyon namin. Lagi ko naman pinapahalagahan ang pagiging malikhain at ala-ala sa likod ng bawat piraso ng dekorasyon. Kaya, bakit naaakit pa rin akong bumili ng punong nadedekorasyunan ng magandang ilaw, bola at satin na laso?
Sa aking paglayo sa aming simpleng dekorasyon, nakita ko ang isang pulang, hugis pusong dekorasyon. Nakasulat dito ang “Si Jesus, ang aking Tagapagligtas.” Paano ko nakalimutan na ang aking pamilya at ang Dios ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong ipagdiwang ang pasko? Simple at hindi man katulad ng nasa tindahan ang aming Christmas tree pero ang pagmamahal sa likod ng bawat dekorasyon ang nagpaganda dito.
Tulad ng aming simpleng dekorasyon, hindi rin naabot ng Mesiyas ang inaasahan ng mundo (Isaias 53:2). Si Jesus ay “Hinamak at itinakwil ng mga tao (T. 3). Pero sa kabila ng lahat ng ito, pinili pa rin Niyang “masugatan Siya dahil sa ating mga pagsuway” (T. 5). “Tiniis din Niya ang mga parusa, para maranasan ang magandang kalagayan (T. 5). Wala nang mas hihigit pa rito.
Nagpapasalamat ako sa aming hindi perpektong dekorasyon at sa ating perpektong Tagapagligtas, tumigil na akong humanap ng higit pa. At pinapurihan ang Dios dahil sa Kanyang pagmamahal. Ang makikislap na palamuti ay hindi mapapantayan ang ganda ng Kanyang inihandog na regalo. Si Jesus.