Taong 1914, Bisperas ng Pasko sa Belguim, narinig ng mga sundalong Aleman at Amerikano sa kanilang mga kampo ang awiting “Silent Night” na nakasalin sa wikang Aleman at Ingles. Lumabas ang dalawang panig ng kasundaluan sa kanilang mga kampo upang magkamayan, magbatain ng “maligayang Pasko” at magbahaginan ng kanilang mga pagkain sa isa’t-isa sa tinatawag nilang “no man’s land” o lugar kung saan bawal ang magpaputok.
Umabot ang tigil-putukan hanggang kinabukasan, nagkaroon pa sila ng laro at ipinagpatuloy din nila ang kanilang kwentuhan at kasiyahan.
Kasagsagan ng World War I, nangyari ang tigil-putukan noong 1914 na nagpakita ng pagpapahayag ng kapayapaan ng mga anghel sa unang Pasko. Sinabi pa ng anghel sa mga pastol “Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas” (Lucas 2:10-11 MBB). Pagkatapos nakita nila ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. “Sila’y nagpupuri sa Dios at umaawit “Papuri sa Dios sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya! (T. 13-14 MBB).
Si Jesus ang “Prinsipe ng Kapayapaan” ang nagligtas sa atin sa kasalanan (Isaias 9:6). Sa Kanyang pagbibigay ng sariling buhay sa krus, nagkaloob Siya ng kapatawaran at kapayapaan sa mga taong nagtitiwala sa Kanya.