Habang nasa biyahe, narinig ng isang manunulat na si Arthur Brooks, ang isang matandang babae na bumulong sa kanyang asawa ng “Hindi totoong wala ng may kailangan sa iyo.” Sumagot naman ang lalaki na “sana mamatay na lang ako” na pinatigil din agad ng asawang babae. Sa pagbaba ni Arthur nakilala niya ang matandang lalaki-isa itong tanyag na tao dahil sa ipinakita niyang katapangan ilang taon na ang lumipas. Maraming pasahero ang nakipagkamay sa lalaki. Paanong ang isang tanyag na tao ay nawalan na ng pag-asa?
Nawalan din siguro ng pag-asa sa buhay si propeta Elias noong hilingin niya sa Dios na mamatay na siya, dahil pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya, kahit na kasama naman talaga niya ang Dios sa pagtalo sa mga propeta ni Baal (1 Hari 18).
Pinalakas naman ng Dios ang loob ni Elias sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga taong kanyang makakatulong. Sinabi pa ng Dios kay Elias na “pahiran mo ng langis si Hazael bilang hari ng Aram. Pahiran mo rin si Jehu bilang hari ng Israel, at si Eliseo para pumalit sa iyo bilang propeta” (19:15-16). Naging masigla si Elias dahil sa kanyang bagong layunin sa buhay.
Ang iyong tagumpay ay maaaring maisantabi at maiisip mong naabot mo na ang dulo o hindi mo ito naabot. At palagay mo ay wala ng may kailangan sa iyo, pero kahit ano mang mangyari, tumingin ka sa iyong paligid dahil meron pa ring mga taong mangangailangan sa iyo. Paglingkuran mo sila para sa kapakanan ni Jesus. Sila ang iyong layunin at dahilan kaya naman nandito ka pa rin.