Gabi na at bigla nalang kaming nawalan ng kuryente. Ito ang unang karanasan ng aking dalawang anak na mawalan ng ilaw. Matapos kung ipagbigay alam sa kinauukulan ang insidente, naghanap ako ng kandila at nagsiksikan kami sa harap ng kandila samay kusina. Napansin kong kinakabahan sila at hindi mapakali. Kaya naman, nagsimula kaming kumanta, hindi nagtagal ang nawala na ang pag-aalala sa kanilang mga mukha at napalitan ng mga ngiti. Minsan kapag nasa madilim na bahagi tayo ng ating buhay kailangan lang natin ng kanta.
Tulad ng Salmo 103 na isang panalangin na kinanta matapos bumalik ng mga anak ng Dios mula sa pagkakatapon sa kanila sa lupang ipinangako. Sa gitna ng kanilang paghihirap, kumanta sila ng papuri sa Dios at sa kabutihan Niya. Ipinapaalala din sa atin ng Salmo 103 ang Panginoon ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal (TAL. 8).
At kung nag-aalala tayo sa kaparusahan ng ating mga kasalanan, ipinaalam na sa awit na hindi madaling magalit ang Dios at pinatawad na Niya tayo at maunawain Siya. Ang bagay na ito ang dapat nating kantahin sa tuwing tayo ay nasa madilim na bahagi ng ating buhay.
Baka kasi makita natin ang ating sarili sa dilim at mahirap na sitwasyon na tinatanong kung totoo bang mabuti ang Dios at pinagdududa ang pagmamahal Niya sa iyo. Kung mangyari man ito, lagi tayong manalangin at kumanta ng papuri sa Nag-iisang nagmamahal sa atin.