Umalis si Dowayne sa kanilang bahay sa Manenberg, isang lugar sa Africa sa edad na 17, dahil sa kanyang pagkalulong sa bawal na gamot at pagnanakaw. Pero hindi naman siya talaga lumayo dahil nagtayo siya ng kanyang matitirhan sa likod lamang ng kanilang bahay. Kinalaunan ay nakilala ito sa tawag na Casino, lugar sa mga nais makapagdroga.
Makalipas ang dalawang taon, nailigtas si Dowayne dahil sa kanyang pagtitiwala kay Jesus. Hindi naging madali para kay Dowayne ang huminto sa paggamit ng droga, pero sa tulong ng Dios at ng kanyang mga kapatid sa pagtitiwala sa Dios napagtagumpayan niya ito. At pagkatapos ng sampung taon naging bahay sambahan na ang Casino. Ang dating lugar ng hindi mabuti ngayon ay lugar na ng pagpupuri at panalangin.
Ibinahagi ng namumuno sa sambahang ito ang tungkol sa Jeremias 33 kung paano binigyang kagalingan at pagkakataong magbago ang mga tao at lugar, tulad ng nangyari kay Dowayne at sa Casino. Sinabi pa ni propeta Jeremias sa mga tagasunod ng Dios habang sila ay bihag pa ay muling “itatayo” ng Dios ang nasirang lungsod at lilinisin sila sa kanilang mga pagkakasala (Jeremias 33:7-8). Nang sa ganoon ang lungsod ang magbibigay sa Kanya ng kadakilaan, kagalakan at kapurihan (T. 9).
Kaya naman ugaliin nating manalangin sa Dios sa kagalingan at pag-asang Kanyang ibinibigay lalong higit sa tuwing natutukso tayong gumawa ng kasalanan na sisira lang din naman sa atin.