Noong 1876, inakala ng mga minerong naghuhukay para sa karbon na ang nahukay nila ay pintuan na ng impyerno. Dahil ayon sa ulat ng mananalaysay na si John Barlow Martin, ang nahukay nila ay “may masangsang na amoy at kakaibang tunog na naririnig.” Sa takot ng mga minero tinabunan nilang muli ang hukay at mabilis na nagsiuwi.
Nagkamali lamang ang mga minerong ito dahil deposito lang ng natural gas ang kanilang nahukay noon. Ngunit kahit na nagkamali ang mga minero ay naiinggit ako dahil meron silang kamalayan tungkol sa espiritwal na mundo na wala sa akin.
Mas madali kasing paniwalaan na hindi naman ito totoo at hindi mangyayari at ang kalimutan na “ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo, kundi ... laban sa hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitan” (Efeso 6:12).
Kung sa tingin natin ay nananalo na ang kasamaan sa mundo, huwag tayong magpasakop dito o ang labanan ito ng sarili nating lakas. Kundi labanan natin ang kasamaan sa pagsusuot ng “kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios” (T. 13-18). Ang pag-aaral ng Kasulatan, ang palagiang pakikipagkita sa kapwa nagtitiwala sa Dios upang magbigay ng lakas ng loob at gumawa ng mabuti sa iba na makakatulong sa atin “para malabanan n’yo ang mga lalang ng diyablo” (T. 11). Habang kasama at puspos tayo ng Banal na Espiritu, mahaharap natin ang kahit na ano. (T. 13).