Mayroon akong interview at sinasagot naman nang maayos ng aking panauhin ang aking mga tanong. Pero may iba akong pakiramdam sa aming pag-uusap parang may nakatago. At nalaman ko ito sa sandaling sinabi ko “Nagbibigay inspirasyon ka sa libo-libong tao,” “Hindi libo-libo, kundi milyon-milyon.” Iyon ang sagot niya. Sinabi pa niya sa akin ang mga bagay na kanyang makamit, titulong nakuha, na para bang dapat alam ko iyon. Nahiya ako.
Sa karanasan kong iyon naisip kung paano ipinakilala ng Dios ang Kanyang sarili kay Moises sa Bundok ng Sinai (Exodus 34:5-7). Dito, hindi ginamit ng Dios ang Kanyang titulo kahit na Siya ang may gawa ng daigdig at ang Hukom ng sangkatauhan. Siya rin lumikha ng 100 bilyong kalawakan, pero ang lahat ng ito ay hindi rin Niya binanggit. Sa halip, ipinakilala ng Dios ang Kanyang sarili bilang “ang mahabagin at matulunging Dios. Mapagmahal at matapat Ako, at hindi madaling magalit” (T. 6). Noong ipinakilala ng Dios kung sino Siya, hindi Niya sinabi ang Kanyang titulo o mga nakamit kundi ang mabubuting katangian Niya ang Kanyang sinabi.
Para sa ating mga tao na nilikha sa wangis Niya at tinawag tayo upang sumunod sa Kanyang halimbawa (Genesis 1:27; Efeso 5:1-2). Ang totoong mahalaga ay maging mahabagin, matulungin, at mapagmahal tayo.
Tulad ng aking naging bisita maaari rin nating iugnay ang ating sariling kahalagahan sa ating karangalang nakamit. Parang ako. Subalit ipinakita ng Dios ang tunay na karangalan, hindi ito iyong nakasulat sa ating mga resume kundi kung paano tayo nagiging tulad Niya.