Nililinis ni Ann ang lugar kung saan ako nag-eehersisyo sa hotel na tinutuluyan ko. Nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap. Nalaman ko na may magandang kuwento ang buhay ni Ann.
Ikinuwento ni Ann, “Dati akong isang masamang babae at gumagamit ng bawal na gamot. Pero alam kong nais ng Dios na magbago ang buhay ko at sumunod sa Kanya. Isang araw, nanalangin ako sa Dios. Humingi ako ng tawad sa mga kasalanan ko at alam kong pinatawad Niya na ako.”
Nagpasalamat ako kay Ann dahil ibinahagi niya ang kuwento ng buhay niya. Sinabi ko sa kanya na palagi siyang nakikita ng Dios. Kumilos naman ang Dios sa buhay ni Ann para muli kong matunghayan ang kapangyarihan ng Dios na bumabago ng buhay ng tao. Nais ng Dios na gamitin para sa gawain Niya ang mga taong tila hindi napapansin ng karamihan. Hindi naman kasing tanyag ni Apostol Pedro ang kapatid niyang si Apostol Andres. Pero sa Biblia, “hinanap kaagad ni Andres ang kapatid niyang si Simon [Pedro] at sinabi sa kanya, ‘Natagpuan na namin ang Mesias’... Isinama niya si Simon kay Jesus” (Juan 1:41-42).
Nakilala ni Pedro si Jesus dahil kay Andres. Ipinahayag ni Andres sa kapatid niya ang tungkol kay Jesus. Nagkaroon ng magandang bunga ang ginawa ni Andres. Nakikita ng Dios ang kakayahan ng bawat isa. Hindi man tayo napapansin at nakikita ng iba, pero kumikilos ang Dios sa buhay natin upang mapapurihan Siya.