Minsan, may pinuntahan akong lugar. Mahirap makita ang paligid dahil mababa at nakaharang ang mga ulap. Tila naging malungkot ang buong paligid nang sandali. Nang sumapit na ang hapon, nawala na ang mga nakaharang na ulap. Nakita ko ang napakagandang Pines Peak, ang pinakasikat na lugar sa amin.
Natuwa ako. Kaya naman, naihambing ko ang pagbabago ng panahon sa mga pananaw natin. Naaapektuhan ng pananaw natin sa mga pangyayari ang mga maaaring magandang mensahe nito. Naalala ko ang inawit sa Aklat ng Salmo, “Tumingin ako sa mga bundok” (Salmo 121:1). Minsan, kailangan lang nating tumingin ng mas mataas para makita ang kagandahan ng mga nasa itaas. Ibig sabihin, tumingin tayo sa Dios para makita natin ang pagtulong Niya sa ating mga pinoproblema.
Sinabi ng sumulat ng Salmo kung sino ang nagbibigay ng tulong sa kanya. Maaaring ang mga ito ang mga dios-diosang malapit sa kabundukan ng Israel. O maaaring tumitingin ang lumikha ng Salmo sa bundok ng Zion kung saan naroon ang templo. Pero inalala niya ang Manlilikha ng langit at lupa at ang pangako ng Dios sa tao (Tal. 2).
Palagi tayong tumingin sa Dios. Ilagak natin ang ating paningin sa Kanya sa tuwing may mga suliranin tayo. Mas makapangyarihan Siya kaysa sa mga problema at kalungkutan natin. Tunay na masasaksihan natin ang kabutihan ng Dios. Palagi Niya tayong tinatawag na magtiwala sa Kanya. Siya ang “mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman” (Tal. 8).