Ang paligsahan sa pagtakbo ay base sa kuwento ng Griegong tagapagbalitang si Pheidippides. Ayon sa kuwento, noong 490 BC, tumatakbo si Pheidippides ng 45 kilometro mula sa Marathon patungong Athens para ibalita ang pagkapanalo ng mga Griego laban sa mga taga-Persia.
Ngayon, sumasali ang mga tao sa mga paligsahan sa pagtakbo bilang isang uri ng palakasan. May magandang layunin si Pheidippides sa pagtakbo niya. May hatid na magandang balita para sa mga kababayan niya ang bawat hakbang ni Pheidippides.
Noong unang panahon din naman, may dalawang babae ring tumakbo para maghatid ng magandang balita. Isa ito sa pinakamahalagang balita sa buong kasaysayan. Nakita nina Maria at Maria Magdalena na nawawala ang katawan ni Jesus sa libingan Niya. Sinabi ng isang anghel na “nabuhay Siyang muli” at “puntahan n’yo agad ang mga tagasunod Niya” (Mateo 28:7). Ang dalawang babae, “kahit natatakot sila, masaya pa rin sila sa ibinalita sa kanila ng anghel” (Tal. 8).
Magkaroon din nawa tayo ng ganitong kaligayahan sa ating mga puso habang ipinamamalita natin sa iba ang dakilang ginawa ni Jesus. Tunay na napagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan nang mabuhay Siyang muli. Mamumuhay tayong matagumpay kasama Niya magpakailanpaman! Ipamalita natin ito sa iba .