May isang kuwarto sa isang museo sa Washington D.C. na tinatawag na Contemplative Court. Naglalaman ito ng mga mahahalagang bagay na nakuha mula sa panahon ng pagkakaalipin ng mga Aprikanong Amerikano. Naririto rin ang isang kuwarto na may salaming pader na yari sa tanso. Mula sa kisame nito ay may umaagos na tubig patungo sa isang lugar kung saan naiipon ang tubig.
Habang pinagmamasdan ko ang napakatahimik na lugar na iyon, isang kasabihan mula kay Dr. Martin Luther King Jr. na nakasulat sa isang pader, ang umagaw sa atensyon ko. “Determinado kaming magtrabaho at lumaban para sa hustisya hanggang makamit namin ang katarungang tulad ng isang ilog na patuloy na umaagos.” Hango sa aklat ng Amos sa Biblia ang mga salitang ito.
Si Propeta Amos ay naninirahan kasama ang mga taong nakikiisa sa mga gawaing pangrelihiyon, tulad ng mga pista at pag-aalay. Pero kahit ganito ang gawain nila, malayo ang puso nila sa Dios (Amos 5:21-23). Hindi tinanggap ng Dios ang mga alay at sakripisyo nila. Nalimutan nila na mas mahalaga na magpakita ng kabutihan sa mga nangangailangan at nalulumbay. Isinulat ni Propeta Amos na nais ng Dios na magpakita ng kabutihan at pagmamalasakit ang mga tao sa kapwa nila sa halip na makiisa sa mga ritwal. Nais ng Dios na maging daluyan tayo ng kabutihan Niya sa iba.
Ganito rin ang itinuturo ni Jesus. Nais ng Dios na mahalin natin ang ating kapwa (Mateo 22:37-39). Habang minamahal natin ang Dios, matutunan nawa nating magmahal ang ating kapwa .