Noong taong 1994, binuwag ng bansang Timog Aprika ang sistema ng apartheid – pagtuturing na mababa ang iba. Pinalitan nila ito ng sistemang demokratiko. Naging mahirap sa simula ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno. Sinabi ni Desmond Tutu, na sumulat ng aklat na No Future Without Forgiveness, “Maaari nating makamit ang katarungan kahit pa mahirapan ang bansa natin.”
Dahil sa pagkakaroon ng bagong pamunuan sa gobyerno, naging mahirap para sa Truth and Reconciliation Committee na magkaloob ng katotohanan, hustisya, at awa sa mga tao. Binigyan ng pagkakataong mapatawad at magbago ang mga taong nagkasala kung aamin sila sa mga pagkakamali nila at hihingi ng tawad. Mabubuo lamang muli ang bansang Timog Aprika kung matapang silang haharap sa katotohanan at magpapatawad.
Katulad ng Timog Aprika, nahihirapan din tayong magkaroon ng balanse sa pagkakaloob ng pagpapatawad at hustisya sa mga tao (Micas 6:8). Nararapat tayong magpakita ng pagpapatawad sa iba. Hindi tayo dapat gumanti sa iba para lang makamit nag hustisya.
Hinihikayat tayo ng Dios na lagi tayong magpakita ng pagpapatawad at pag-ibig sa iba. Hinihikayat Niya rin tayo na, “Iwasan ang masama at laging gawin ang mabuti (Roma 12:9). Hindi rin tayo dapat gumawa ng masama sa ating kapwa (13:10). Sa tulong ng Banal na Espiritu, makakaya nating magpatawad, magmahal, at huwag gumawa ng masama sa ibang tao (12:21).