Ang cockeyed squid ay isang uri ng pusit na nakatira sa pinakamalalim na bahagi ng dagat. Tinawag itong cockeyed dahil sa dalawang mata nito na magkaiba. Ang kaliwang mata nito ay mas malaki kaysa kanang mata.
Ayon sa mga dalubhasa, ginagamit nito ang mas maliit nitong kanang mata para makakita sa madilim na bahagi ng dagat. Ginagamit naman nito ang mas malaki nitong kaliwang mata upang tumingin sa bahaging may liwanag ng araw.
Maihahalintulad natin sa pusit na ito kung paano tayo dapat mabuhay sa kasalukuyan at sa hinaharap bilang mga taong binuhay muli kasama ni Cristo (Colosas 3:1). Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Colosas, sinabi niya na dapat na ang mga bagay na panlangit ang isaisip natin dahil ang buhay natin ay nakatago sa Dios, kasama ni Cristo (Tal. 2-3).
Habang nandito pa tayo sa mundo, hinihintay natin ang panahon na makakasama natin ang Dios sa langit. At habang hinihintay natin ang panahong iyon, maaari nating ilaan ang ating buhay sa mga bagay na nakakalugod sa Panginoon. Kung itutuon natin ang ating paningin kay Cristo, mas titingnan at pahahalagahan natin ang mga bagay na panlangit.